Posted by: David Reforma | June 22, 2013

Middle East (OFW)

Masarap ba matawag na isang OFW?

Para sa mga kababawayan ko OFW nagtratrabaho sa gitnang Silangan o Middle East marahil may sasagot na Hindi o OO.

Hindi kasi:

Mahirap mamuhay ng malayo sa pamilya at malayo sa sariling bayan. Maraming bagay na dapat isakripisyo kapag nagtrabaho sa ibang bansa. Hindi lahat ng umaalis o nagabroad maayus ang napasukan o employer nila karamihan sa kanila nagtitiis ng hirap, pagod puyat , lungkot at kung anu-ano pa.

Maganda sa pandinig ang nasa abroad pero mahirap dahil kailangan mo makibagay at alamin lahat ng patakaran kung anu ang bawal at hindi lalo na sa bansang Saudi.

Di lahat ng OFW malaki ang sweldo o mataas, nakadepende lang sa palitan Peso ang buwanang sweldo kinikita nila. Kapag mababa ang palitan mababa din ang value ng sweldo ng bawat isa.

Meron din naman naloko ng Agency nagpaalis sa kanila tapos ang nasa contract ibang salita hindi english o tagalog kaya madalas nadadaya ang isang OFW kapag nakaalis na kasi di alam kung anu nakalagay sa kontrata.

Palakasan system ang pamumuhay sa gitnang silangan at inggitan lalo na sa ibang lahi.

OO Kasi:

Kapag maayus ang company napuntahan at maganda ang sweldo mas masarap magtrahabo. Maayus ang amo o employer kaya tiis lang kahit malayo sa pamilya dahil para sa kanila din naman ang paghihirap ng bawat isa.

Marami pa akong dapat ilagay pero dahil sa medyo kapos ako sa oras kaya itutuloy ko sa ibang araw.

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking Personal blog.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: