Posted by: David Reforma | November 7, 2009

Buwan ng Nobyembre!

Ito ang panahon na kung saan ang mamayang Pilipino ay masyadong abala sa pagaayus ng kanilang tahanan, preparasyon sa pagsasagawa ng dekorasyon sa kani-kanilang kabahayan. Pagaayus ng mga Christmas tree at pamimili sa iba’t-ibang tiangge o supermarkets para sa nalalapit na christmas holiday.

Sa isang banda hindi ako naniniwala sa Christmas Holiday na sinasagawa ng Maraming Pilipino, hindi ako pabor sapagkat ito ay selebrasyon Para sa pananampalatang Pagano…

Kung ang karamihan ay naniniwala sa pagkapanganak ng Cristo na sinasabi nila ay isang beses lamang nangyari ito at di na dapat ulit-ulitin pa ang pagcelebrate, medyo masakit man marinig o mabasa na paniniwalang pagano ang nakagisnan ng karamihang pilipino.

Malaki talaga ang naihatid ng paniniwalang Katoliko subalit lihis na ito sa tunay na nilalaman ng aral na nakasulat sa bibliya kung tawagin ng iba.

Subalit sa nilalaman ng Torah, hindi sinasangayunan ng D-os na buhay ang pagseselebrate ng ganitong bagay sapagkat ito’y gawaing pagano.

Hindi lamang torah ang nagpapaliwanag ng katotohanan, maging mga dalubhasa sa kasaysayan ng mundo at ng mga tao sila man ay nagpapatunay na lihis at mali na ang nakagawain ng karamihang tao sa mundo. Sila man ay nagpapaliwanag o isiniwalat na mali ang ganitong selebrasyon kahit pa sabihing ito’y para sa kabataan.

Masarap kasama ang mahal sa buhay pero ang mga bagay na nakagisnan nating mga Pilipino ay isang nakagawian na mahirap alisin dahil nakatatak na ito sa puso at isip ng bawat pilipinong nabulag ng pananampalayang lihis sa katotohanan.

Ito’y pagbibigay inpormasyon lamang at pagmuni-muning nagbuhat sa aking kaisipan at nabuo sa pamamagitan ng pagsulat sa blog na ito.

Nawa’y makapulot aral sa inyo ang aking salaysay at maging batayan ng inyong pagkaunawa.

By: Jim Reforma aka Linuxman


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: