Posted by: David Reforma | November 22, 2009

Matulungin sa kapwa

Ang pagtulong sa kapwa ay isang gawaing pinoy na likas sa ating mga Filipino lalo na kapag ang isang tumutulong ay nasa abroad o nasa labas ng Pilipinas. Tayong mga Filipino ay likas na mapagkawang-gawa sa kapwa lalong-lano na sa mga kapus-palad at hirap sa buhay.

Dyan mo masusukat ang pagiging matulungin nating mga Filipino sa panahon ng kalamidad, sakuna, delubyo, at baha. Sa lahat ng dako dito sa Pilipinas ang kadalasang tumutulong ay yung mga taong sapat lang ang pamumuhay. Kung sino pa ang nakakaraos ng tama at nakaka-kain ng tama ay sya pa ang mga taong mabilis na tumutugon sa hinaing ng mga maliiit na tao.

Ang pagtulong ay likas ng gawain mula’t-mula pa noong panahon ng himagsikan kung saan ang lahing Filipino ay umaagapay sa kapwa Pinoy na salat sa kabuhayan. Meron din naman ibang Mayayaman na walang inatupag kundi magpayaman at magkamal ng malalaking salapi, puro pagpapayaman ang ginagawa sa buhay na ito. Marami din naman dyan ang naglilingkod kuno para sa bayan pero ang bayan naman ang nagdudusa sa kabila ng ginagawa nilang pagkimkim sa buwis na binabayad ng taong bayan. Ang Filipino ang bumubuhay sa Bansang Pilipinas, tuwis o tax kung tawagin; pera ng taong bayan ang dahilan kung bakit marami ang naghahangad maglingkod sa bayan dahil ang katwiran nila ay magandang ihemplo ang maglingkod at tumulong pero ang lahat ng yun ay palabas lamang upang magkaroon ng kakayahang mapuno at magpamalas ng kasikatan at tumulong sa mga naghihikahos na bayan.

Sabi din ng mataas na pinuno na ang mga Filipinong nagtatrabaho s labas ng Pilipinas ay bagong bayani…. Nasaan ang pagkilala sa tinatawag na bayani? matatawag na bayani dahil sila ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas pero ang totoo; hindi sila matatawag na bayani dahil sa bawat lugar na kanilang pinagtatrabahuhan ay kadalasan sila’y naapi, minamaltrato, nadidiscrimate at kung anu-ano pa. Ito ba ang matatawag na bagong Bayani ng Lahing Filipino…..

Pagasenso at magandang buhay ang hangad ng mga kapwa Pinoy na umaalis ng Bansa upang makatulong sa kanilang mahal sa buhay. Ito din ang dahilan kung bakit madami ang nagpapaalipin sa dayuhan o sa kanilang employer para lamang makapagpadala ng pera sa kani-kanilang mahal sa buhay. Para sa akin natural lamang na magbigay tulong sa mahal sa buhay lalo sa asawa, ina, anak, ama at kung sinu-sino pa na malapit sa buhay.

Pero para sa akin di pagiging bagong bayani ang matatawag dito. Natural lamang na magtrabaho at ibigay ang lahat ng maibibigay sa mga Mahal sa Buhay. Bilang isang tao at miyembro ng lipunan karapatan ng bawa’t tao na maging malaya at makagawa ng bagay na mabubuti sa kapwa at sa mundong ating ginagalawan.

Ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan at lahat ng ito’y babalik sa lupa pagdating ng takdang panahon… Nawa’y dumating na nga ang panahong iyon upang matapos na ang lahat ng paghihirap at pagtitiis ng lahat ng Tao sa Mundo; kabilang na ako sa mga taong nagtitiis.

Kayo’y malayang magkumento sa aking opinyon at palapalagay. Ibilang nyo na lang ito bilang isang paalala o payo ng isang Mamayang Filipino…

Sinulat ni: Jim Reforma aka LinuxMan

About these ads

Responses

  1. hi sir pls allowed me to congratulate you for what you done…i’m very proud to say dat der are people like u who serve other people nids.keep it up and the lord be with u as olways!!!
    i’m very interesting about yur blog aND I’M Willing to join yur group..also by needing yur help iwas suffering as of now an harassment by diff.people in taguig.they accusing me or call me an asset of police but not definitely true.. i was used by the police enpoweredment..so ,i cant do such thing of this present..would like to give some report or support from yur part.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: